Thursday, February 26, 2026

ISANG BAHAY SA MANGALDAN, NILOOBAN; ₱46K HALAGA NG PERA AT ALAHAS, TINANGAY NG HINDI PA NAKIKILALANG SUSPEK

Tinatayang ₱46,800 halaga ng pera at alahas ang tinangay ng hindi pa nakikilalang suspek matapos looban ang isang bahay sa Mangaldan, Pangasinan madaling araw ng Pebrero 25, 2026.

Batay sa ulat, naganap ang insidente bandang alas-dos ng madaling araw nang magising ang 48-anyos na babaeng biktima at magtungo sa palikuran ng kanilang bahay.

Paglabas ay doon umano niya nakita ang isang lalaking nakasuot ng itim na bonnet, puting gloves, long-sleeved shirt, at jogging pants, na agad nagbanta gamit ang patalim.

Tinakpan umano ng suspek ang bibig ng biktima gamit ang towel at kinaladkad ito patungo sa silid kung saan hinalughog nito ang mga gamit.

Tinangay ang ₱33,000 cash at mga gintong alahas na nagkakahalaga ng ₱13,800 bago tumakas palabas ng harapang pinto ng bahay.

Naiulat ang insidente sa pulisya bandang alas-nuebe ng umaga at agad namang rumesponde ang mga awtoridad. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy at maaresto ang suspek.

Facebook Comments