Isang bangko sa Japan, nagpahayag ng interes na mag-invest sa Maharlika Investment Fund

Interesado ang Japan Bank International Cooperation o JBIC na mag-invest sa kakapasa pa lamang na Maharlika Investment Fund (MIF) at makipag-partner sa Pilipinas para sa energy development.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, ginawa ng JBIC ang pahayag nang mag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Palasyo ng Malacañang si JBIC Chairman of the Board Tadashi Maeda.

Nagpaabot daw ng pagbati ang bank official sa pagkakapasa ng panukalang Sovereign Wealth Fund Law.


Nais din daw malaman ng JBIC official ang pinakadetalye ng mga target na proyektong gagastusan ng Pilipinas sa pagkakaroon ng MIF.

Ayon naman kay Pangulong Marcos, ang mga ganitong investment ay kailangan ng bansa kaya ipinasa ang MIF.

Kaugnay nito, interesado rin ang JBIC na malaman kung ano ang nagiging role ng liquified natural gas (LPG) bilang traditional source ng power sa Pilipinas at ang pangangailan na magkaroon ng iba pang energy sources gaya ng hydropower, solar, at wind.

Ang JBIC ay isang policy-based financial institution na pagmamay-ari ng Japanese government.

Facebook Comments