Isang barangay kagawad patay sa pamamaril, habang dalawang anak nito sugatan

General Santos City—Patay sa pamamaril ang isang barangay kagawad habang sugatan naman ang dalawa nitong anak matapos pinagbabaril ng apat na hindi pa nakikilalang suspek sa Purok 4, barangay Rubber, Polomolok South Cotabato alas 7:40 kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Barangay Rubber kagawad Rhod Ubpon, 44, habang kinilala naman ang mga sugatan na sina Jaffer Ubpon, 22, at Hiyer Ubpon, 24, parehong residenti ng nasabing lugar.

Base sa pahayag ng mga saksi ng nasabing insidente, naliligo umano ang biktima sa kanilang banyo malapit sa kanilang bahay ng ito’y nilapitan umano ng isang suspek at pinagbabaril ng dalawang beses sa kanyang ulo na naging dahilan ng kanyang kamatayan.


Agad na tumakas ang suspek kasama ng tatlong kasamahan na nakasakay ng motorsiklo. Nakita ng dalawang anak ng biktima nang pagbabarilin ang kanilang ama kaya hinabol nila ang mga suspek.

Pero sila naman ang pinagbabaril kung saan si Jaffer nagtamo ng sugat sa kanyang braso habang si Hiyer naman ay nagtamo ng sugat sa kanyang siko at sa kaliwang bahagi ng kanyang tyan.

Agad naman silang dinala sa pagamutan matapos ng insidente. Habang matagumpay na nakatakas ang mga suspek. sa initial investigation ng Polomolok PNP napag-alaman na kasama si kagawad Ubpon sa listahan ni pangulong Rodrigo Duterte nga mga opisyal ng barangay na involved umano sa illegal drugs.

Facebook Comments