Isang barista, ipinakita ang talento sa pamamagitan ng milk foam ng kape

Korea – Ipinamalas ng isang barista ang kakayahan niyang makalikha ng isang obra maestra sa pamamagitan ng milk foam ng kape

Ang talentong ito ay kilala sa tawag na cream art.

Mula sa kilalang pinta ni Van Gogh na Starry Night hanggang sa mga detalyadong larawan at cartoon characters, hindi maikakaila ang husay ni Lee Kang Bin sa larangang ito.


Dahil sa pambihira niyang talento, nakaagaw ito ng pansin sa publiko.

Bukod dito, umupo na rin si Lee bilang hurado sa iba’t ibang kompetisyon sa mundo.

DZXL558

Facebook Comments