Nirespondehan ng Real Coast Guard Sub-Station (CGSS) at Northern Quezon Coast Guard Station (CGS) ang isang barko na sumadsad sa Real Port, Barangay Ungos, Real Quezon.

Ayon sa ulat, sumadsad ang barkong M/V Virgen De Peñafrancia sa mababaw na bahagi ng daungan dulot ng malakas na alon.

Ang nasabing barko ay may lulan na 41 na mga pasahero, 8 rolling cargoes at 22 crew members kabilang ang kapitan nito.

Gayunpaman, nabigyan ng agarang atensyong medikal ang mga pasahero kung saan ang lahat ay napaulat na nasa maayos na kondisyon at ligtas na nailipat sa isa pang vessel patungo ng Pollilo Port .

Samantala, ang mga driver ng truck ng mga rolling cargoes ay nanatili sa Ungos Port para masiguradong maialis ang kanilang mga sasakyan sa nasabing sumadsad na barko.

Inabisuhan naman ng Real Coast Guard ang kapitan ng barko na magsumite sa MARINA IV-A ng marine protest at formal request para sa suspension ng Passenger Ship Safety Certificate (PSSC) ng nasabing vessel.

Facebook Comments