Magsasagawa ng seremonya bukas ng alas kuwatro ng hapon, Pebrero 19, 2018 ang pamunuan ng 7th Infantry Division, Philippine Army.
Ang seremonya ay itinakda para sa send-off ng 56th Infantry Battalion papuntang Mindanao.
Ang naturang unit ng militar ay matagal nang nakahimpil sa Lalawigan ng Aurora kung saan ang ilan sa mga accomplishment nito ay ang pagkakarekober ng sampung kampo ng NPA sa Aurora at Nueva Ecija.
Naging aktibo din itong kapartner ng DENR kontra sa illegal logging at ng lokal na pamahalaan sa mga developmental projects.
Ayon sa kalatas na ipinaabot ni 1Lt Catherine E Hapin, ang Chief ng Public Affairs Office ng 7ID, Philippine Army, ang 56th IB ay sasailalim sa Eastern Mindanao Command (EastMinCom) na nakabase sa Davao City.
Gaganapin ang send-off ceremony sa grandstand ng 7th Infantry (Kaugnay) Division, Philippine Army sa Fort Ramon Magsaysay, Nueva Ecija.