Isang Bayan ng Davao Oriental, niyanig ng magnitude 3.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang isang bayan ng lalawigan ng Davao Oriental bandang alas-8:21 ng umaga.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, naitala ang lindol sa 60 kilometers east, bayan ng Manay sa nasabing lalawigan.

May lalim ang lindol na 17 kilometers at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.


Ayon sa pamunuan ng PHIVOLCS, wala naman inasahang mga intensity at mga aftershock na mararamdaman sa mga kalapit na bayan na dulot ng pagyanig.

Wala ring napinsala o nasugatan ng mga residente ng Manay at wala ring nasirang mga ari-arian ng dahil sa lindol.

Facebook Comments