Naramdaman ang 3.8 magnitude na lindol sa bayan ng Bayabas, lalawigan ng Surigao Del Sur pasado alas-4:34 kaninang madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang episentro ng lindol sa layong 92 Kilometers North na bahagi ng naturang bayan.
May lalim ang lindol na 40 kilometers at tectonic ang pinagmulan nito.
Batay sa tala ng PHIVOLCS, wala namang inaasahang aftershock na dulot ng pagyanig.
Wala ring naramdamang intensities sa mga kalapit na lugar na nasabing bayan.
Sa abiso ng ahensya hindi ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at mga tao sa naturang lugar.
Wala ring inilabas na tsunami alert ang PHIVOLCS kaugnay sa nasabing pagyanig.
Facebook Comments