Isang bilyong piso, masasayang oras na muling ipagpaliban ang SK at Brgy. Election

Manila, Philippines – Aabot sa isang bilyong piso ang masasayang kapag inaprubahan ng kongreso ang panukalang election postponement sa Oktubre.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, malaking pondo ng poll body para sa pag-imprinta ng mga balota ang masasayang kapag ipinagpaliban ang Sangguniang Kabataan at Barangay Elections.

Bagaman wala pang pinal na desisyon ang kongreso, sinabi ni Jimenez na kailangan na nilang mag-imprinta ng mga balota bilang bahagi ng kanilang preparasyon.


Base sa timeline ng COMELEC, may hanggang ikalawang linggo na lang sila ng Agosto para simulan ang printing ng balota.

Facebook Comments