San Guillermo, Isabela – Natimbog ng mga otoridad ang isang binata sa kasong paglabag sa RA 7610 o (An Act Providing For Stronger Deterrence And Special Protection Against Child Abuse, Exploitation And Discrimination) matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito kahapon, Enero 25,2019 sa Brgy. San Jose, Baggao, Cagayan.
Kinilala ang akusado na si Jun-jun Somera Olivares, 27 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Guam, San Guillermo, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP San Guillermo sa pangunguna ni PCI Mariano N. Marayag Jr. at PNP Baggao sa pangunguna naman ni PCI Rodel R. Tabulog si Olivares sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Lyliha L. Abella Aquino ng RTC Carig, Tuguegarao City, Cagayan dahil sa kasong paglabag sa RA 7610.
Nasa himpilan ng PNP San Guillermo ang akusado para sa kaukulang disposisyon bago dalhin sa court of origin nito habang may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng dalawang daang libong piso para sa kanyang pansamantalang kalayaan.