Isang binata, nahulihan ng ilegal na droga sa Pasig City

47

Kalaboso ang isang binata matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Conception St., Barangay. Santolan, Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Lenard Badilla, 18-anyos.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagsasagawa ng patrolya ang operatiba ng Pasig Police kaugnay sa mahigpit na pagpatutupad ng ECQ nang maispatan ang suspek na walang suot na face mask.

Hinanapan ng mga pulis ang suspek ng Permit to Leave Premises (PLP) pass, at nang kapkapan ay nalaglag sa kaniyang bulsa ang isang transparent plastic sachet na may lamang hinihinalaang shabu.

Paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa binata.

Facebook Comments