Top 9 Most Wanted Person, Natimbog!

15

Cauayan City, Isabela- Nadakip na ng mga otoridad ang itinuturing na Top 9 Most Wanted Person municipal level sa Echague, Isabela.

Ang akusado ay nakilalang si Tomas Dalloran, 35 anyos, laborer at residente ng Barangay Soyung, Echague, Isabela.


Inaresto si Dalloran sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Michelle Gumpal-Videz ng MTC Echague, Isabela para sa kasong Attempted Homicide.

Dinala sa Echague Police Station ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Makakalaya lamang ang akusado kung makakapaglagak ng piyansang Php.6,000.00.

Facebook Comments