Isang Binata, Tinaga habang Naglalakad!

160

*Sta. Maria, Isabela- *Sugatan ang isang binata matapos tagain ng isang lalaki habang ito ay naglalakad bandang alas syete kagabi sa San Rafael West, Sta. Maria, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Vince Laggui, 20 anyos, at residente ng San Rafael West, Sta. Maria, Isabela habang ang suspek ay si Alwin Angoloan, 23 anyos, residente naman ng Poblacion 2, Sta. Maria, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), pauwi na sa kanilang bahay ang biktima at habang ito ay naglalakad ay nakasalubong nito ang suspek na may dalang itak at bigla na lamang itinaga sa balikat ng biktima.

Dumipensa naman ang biktima hanggang sa naagaw nito ang itak at itinaga sa noo ng suspek.

Agad na umalis ang suspek habang dinala naman sa pagamutan ang biktima at kalauna’y dinala rin ang suspek sa parehong pagamutan dahil sa tinamong sugat at dito na rin tinukoy ng biktima ang suspek.

Inilipat sa ibang pagamutan ang biktima at pagkatapos mabigyan ng paunang lunas ang suspek ay inaresto ito matapos madischarged at dinala sa Santa Maria Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers