ISANG BINMALEÑIANS, KABILANG SANAKASUNGKIT NG GINTONG MEDALYA SA INTERNATIONAL SCIENCE TECHNOLOGY ANDENGINEERING COMPETITION SA BALI INDONESIA

Isang Binmaleñians ang nakasungkit ng gintong medalya sa Junior High School Engineering Category at Grand Award in the Best Engineering Research sa katatapos na International Science Technology and Engineering Competition (ISTEC) sa Bali, Indonesia.
Si Han Na D. Park ay residente mula sa Barangay Isidro Sur Binmaley at Grade 9 student mula sa Philippine Science High School – CAR Campus.
Kasama ni Park ang kanyang kapwa mag-aaral na si Eliz Jae Gasatan, at coach Frances Marie Aniceto,sa kanilang nagwaging pananaliksik na pinamagatang “Dye-Sensitized Solar Panel Cell: Harnessing Sunlight Rays as Solar Energy Based on Biodegradable Media,” sa iba pang 4 na junior high school entries, 12 entry sa senior high school, at 3 entry sa antas ng kolehiyo mula sa Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at South Africa.

Samantala ang kanilang pananaliksik ay gumamit ng mga leaf pigment mula sa Philippine Oregano, Benguet sunflower at Bangbangsit bilang dye-sensitizers.
Sa kanilang tagumpay, ipapadala sila ng ISTEC bilang mga delegado sa WISPO (World Innovative Science Project Olympiad) 2023.
Patunay lamang nito hindi magpapadaig ang mga Pilipino sa iba pang mga bansa sa pagmamalas ng husay at talino! |ifmnews
Facebook Comments