Kinumpirma ng Hong Kong authorities na may isang pasahero mula sa Pilipinas ang nagpositibo sa bagong variant ng COVID-19.
Nabatid na ang bagong uri ng COVID-19 ay nagmula sa United Kingdom at sinasabing mas nakahahawa.
Ayon kay Dr. Chuang Shuk-kwan, pinuno ng Communicable Disease Branch ng Center for Health Protection ng Hong Kong, ang biyahero ay dumating sa kanilang teritoryo sakay ang Philippine Airlines flight PR300 noong December 22.
Ang iba pang pasyente mula December 22 hanggang January 4 na binantayan nila ay nagpositibo sa COVID variant.
Karamihan sa mga pasyente ay mula sa UK at France.
Sinabi ni Chuang na inaasahan na nilang lulutang na rin ang bagong variant sa ibang mga bansa dahil maraming tao ang bumibiyahe at nagtutungo sa ibang mga bansa.
Mahigpit nang ipinatutupad ang mahigpit na measures tulad ng 21 araw na quarantine sa mga hotel.