Isang bookkeeper, hinoldap sa Pasig City

Ligtas na sa panganib sa Pasig City General Hospital ang isang bookkeeper makaraang saksakin ng isang holdaper sa N. Sandoval Ave. Brgy. San Miguel, Pasig City nang ayaw itong ibigay ang kanyang cellphone sa suspek.

Nakilala ang biktima na si Amado Nugas Jr. 28 anyos, bookkeeper.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang naglalakad ang biktima kasama ang kanyang kaibigan na nakilala niya sa  Rachel Beerhouse, pagdating sa naturang lugar ay biglang hinablot ng suspek ang kanyang isang unit ng OPPO F3 mobile phone pero nanlaban ang biktima kaya’t bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima sa kanang kamay at tiyan pagkatapos ay tumakas ang hindi pa nakilalang holdaper.


Inaalam na rin ng mga otoridad kung mayroong CCTV footage sa lugar para makilala at maaresto ang suspek.

Facebook Comments