3 pulis sa Cebu, nagpositibo sa droga

Inihayag ni PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde na tatlong pulis sa Cebu ang nagpositibo sa iligal na droga matapos ang   isinagawang random drug testing.

Kinilala ang mga ito na sina Police Corporal John Bu Ramirez Combis, Police Corporal Kinsman Gets Omolon at Police Corporal Robert Gagatig Amascual, mga nakatalaga sa Cebu City Police Station.

63 pulis na nakatalaga sa Police Station 3 ng Cebu City Police Station ang isinailalim lahat sa Random drug test, tatlo nga ang nagpositibo.


Posible aniyang masibak sa serbisyo ang mga ito.

Sa ginawang drug test, sinadyang isama ang mga pulis na pinaghihinalaang gumagamit ng droga.

Facebook Comments