Isang buntis, natagpuang patay sa isang waiting shed sa Tayuman

46

Manila, Philippines – Natagpuang patay ang isang buntissa isang waiting shed sa tayuman st., tondo, maynila.

 
Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si andy saludad,37-anyos na galing sa probinsiya at nagbakasakali sa maynila pero nauwi lamangsa pagiging palaboy.

 
Batay sa imbestigasyon, ginawa nang tirahan ni Saludad angnasabing waiting shed kasama ang live-in partner nito na kinilalang si Armando.

 
Si Armando ang mismong nagturo ng bangkay ni Saludad samga awtoridad.

 
Sinasabing labas-masok sa ospital si Saludad at namataysa hindi pa nalalamang sakit.

 
Wala namang nakitang foul play ang pulisya sa nasabinginsidente.

Facebook Comments