Isang lalaking nag bomb joke, arestado

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapositong mag-bomb joke habang kinakapkapan siya ng guwardiya sa isang mall sa Monumento,Caloocan City kagabi.

 
Papasok sana ang 20-anyos na suspek na si Harold Lagat sanaturang mall nang mag-bomb joke ito na naging dahilan para agad na tumawag anggwardiya sa awtoridad at ireport ang pangyayari.

 
Inamin naman ng suspek na nagbiro siya pero aniya,pabulong lamang ito sa kanyang kasama.


 
Kasalukuyang nahaharap ang suspek sa paglabag sapresidential decree  no. 1727.

 
Muli namang nagpaalala ang mga awtoridad na iwasangmagbiro ng tungkol sa bomba lalo na sa mga matataong lugar dahil puwede itongpagmulan ng kaguluhan.

Facebook Comments