Isasara na ngayong araw, June 25 ang southbound portion ng EDSA-Kamuning flyover.
Alas 6:00 mamayang umaga ang simula ng isang buwang pagsasara sa EDSA-Kamuning flyover para sa pagsasaayos nito matapos na makitaan ng mga maliliit na butas.
Kasabay nito, pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na gamitin ang ilang alternatibong ruta.
Ayon sa MMDA, Maaari kumanan ang mga ito sa Scout Borromeo Street papuntang Scout Ybardolaza Street, papuntang Judge Jimenez Street, E. Rodriguez, at New York Avenue papuntang EDSA.
Pinayuhan din ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang portion ng EDSA Kamuning flyover gamit ang Mabuhay lanes.
Una nang nagsagawa ang mga tauhan ng MMDA ng clearing operation sa mga alternatibong ruta kabilang na ang Samar Avenue at Scout Borromeo Street upang matiyak na walang nakasagabal sa daloy ng trapiko.