PAFMIL, iginiit na walang shortage ng harina sa bansa; pero presyo nito, mas lalong tataas pa!

87

Iginiit ng Philippine Association of Flour Millers (PAFMIL) na nananatiling sapat ang suplay ng harina ngayong taon.

Taliwas ito sa mga nagsasabi na nagkakaroon na ng kakulangan ng harina sa bansa.

Pero, ayon sa PAFMIL ay asahan pa ang patuloy na pagtaas sa presyo ng tinapay dahil sa hindi maawat na pagmahal ng harina sa gitna ng lumulobong presyo ng wheat o trigo sa international market.


Sinabi ni PAFMIL Executive Director Ric Pinca na nakikita nilang dahilan sa pagtaas ng presyo ng trigo mula sa mga naturang bansa na pangunahing wheat exporter ay ang hindi pa natatapos na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia, export ban ng India at tagtuyot sa Amerika.

Nahaharap na aniya ang mundo sa ‘food crisis’ at kahit napakaraming wheat supply ay mahigit kalahati naman nito ang hindi pa na-e-export.

Tatlumpung porsyento ng wheat supply sa mundo ay mula sa Ukraine at Russia, pero dahil sa giyera ay 20 million metric tons ng trigo ang hinarang sa Odessa Port, Ukraine.



Sa pagtaya ng PAFMIL, sumipa na sa 500 dollars per metric ton ang global price ng trigo mula sa 300 dollars per metric ton noong December ng nakaraang taon.

Facebook Comments