Isang Byuda, Huli sa kasong Perjury!

San Isidro, Isabela – Nahaharap sa kasong Perjury ang isang ginang matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas onse kaninang umaga sa Brgy. Cebu, San Isidro, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Mercedes Almuete Rubio, 51 anyos, biyuda at residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP San Isidro si Rubio sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Genovievie D. Ande-Ewangan ng MCTC Branch 21 Santiago City, Isabela dahil sa kasong Perjury.


Nasa kustodiya na ng PNP San Isidro ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Pansamantalang makakalaya si Rubio kung makakapaglagak ng kanyang piyansang nagkakahalaga ng P18,000.00

Facebook Comments