Globalport Batang Pier, umaasang magbabayad lang ng penalty si Terrence Romeo at walang matatanggap na suspension

Manila, Philippines – Inaantay na lamang ngayon ng management ng Globalport Batang Pier ang official letter ng Office of the Commissioner hinggil sa pagpapatawag ng kanilang player na si Terrence Romeo.

Matatandaan na nakainitan ni Romeo si L.A. Tenorio ng Ginebra sa naging laban nila sa quarterfinals ng PBA Commissioners Cup.

Dahil dito, tinawagan ng flagrant penalty 2 si Romeo na ayon sa rules ng PBA ay magkaukulang fine na aabot sa P20,000 kung saan posible itong tumaas pa denepende sa naging reaksyon ng player bago siya na-thrown out sa basketball court.


Umaasa naman ang Globalport na hindi masususpindi si Romeo sa susunod na laro nila sa next conference pero aminado sila na mayroon itong babayaran na penalty.
DZXL558

Facebook Comments