Isang cargo forwarding company, inirereklamo dahil sa pagkasira ng mga laman ng ipinadalang balikbayan boxes

Manila, Philippines – Inirereklamo ng magkasintahang OFW ang cargo forwarding company matapos masira ang mga laman ng ipinadala nilang balikbayan box sa Pilipinas.

Ayon sa complainant na si Ferdinand Acupan – pinag-ipunan niya ang laman ng kanyang balikbayan box pero wala nang mapapakinabangan nang dumating ito sa Pilipinas.

Pati rin ang balikbayan box na padala ng kanyang kasintahan ay ganun din ang naging sinapit.


Nagkabutas-butas ang mga liquid detergent at lotion.

Itinuturo nila ang kumpanyang Makati Express Cargo sa pagkasira ng kanilang balikbayan boxes.

Sa pahayag ng kumpanya, pinagsasabihan naman nila ang mga OFW na huwag isama sa padala ang mga liquid products at lotion dahil may tyansa itong masira kapag nadaganan.

Facebook Comments