Isang Chinese fugitive na nagtatago sa bansa, naaresto ng BI

64

Inaayos na ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapa-deport sa isang Chinese fugitive na nahuling nagtatago sa bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, hinuli ng immigration agents si Li Xinlei sa Pasay City Hall compound sa bisa ng warrant of arrest dahil sa mga kinakaharap na kaso sa China.


Nabuking din ng mga arresting agents na overstaying alien na sa bansa ang Chinese national na nagpanggap pa na isang Pinay.

Una nang humingi ng tulong ang Chinese Government sa BI para matunton at maipa-deport sa kanilang bansa si Li para sa paglilitis sa kanyang kaso.

Facebook Comments