Mga palengke at groceries sa Navotas City, pinayagan nang magbukas at makapagtinda tuwing Linggo

321

Inihayag ng pamunuan ng Navotas City Government na simula ngayong araw ay papayagan na ng Local Government Unit (LGU) ang mga palengke, supermarket, mga groceries at iba pang pamilihan sa lungsod na magbukas at makapagtinda na tuwing araw ng Linggo.

Sa inilabas na bagong polisiya ng pamahalaang lokal, kailangan lamang na magtalaga sila ng araw para sa gagawing general cleaning at disinfection sa lugar.


Ayon kay Mayor Toby Tiangco, obligado rin ang lahat na sumunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks, faceshield, physical distancing at paggamit ng contact tracing tools, contactless thermometers at mga hand sanitizers.

Pakiusap lang ni Tiangco sa lahat na magtulungan para manatili ang kaligtasan ng bawat isa laban sa pandemya.

Facebook Comments