Isang makasaysayang tagumpay ang nakamit ng isang coffee shop sa Urbiztondo, La Union matapos itong mapabilang sa World’s Best Coffee Shop.
Ang El Union Coffee na napabilang sa Top 8 sa Asya at Top 61 sa buong mundo dahil sa kanilang masarap na kape.
Ang pagkilalang ito ay isang patunay ng kanilang pagsisikap at malasakit sa pagpapabuti ng industriya ng kape sa bansa.
Hindi lamang nila itinatampok ang kanilang mga produkto, kundi pati na rin ang mga magsasaka at komunidad na nasa likod ng bawat tasa ng kape.
Ang kanilang tagumpay ay magbibigay daan upang palakasin ang probinsya ng La Union bilang isang lugar hindi lamang para sa mga surfers, kundi pati na rin sa mga mahihilig sa kape. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









