CICC agents, sumailamim sa training mula sa american cybercrime expert

50 law enforcement agents ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o (CICC) kasama ang Philippine National Police – Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) at iba pang ahente ng gobyerno ang dumalo sa isang linggong pagsasanay sa ilalim ng US based national collar crime center para sa isang advanced digital forensics training sa Cybercrime Hub sa Taguig City.

Ito ay upang sanayin ang mga ahente sa iba’t ibang isyu sa larangan ng cybercrime kasama rito ang mga paraan sa pangangalap ng ebidensya online.

Makatutulong ito sa CICC upang ma-certify ang mga ahente bilang lehitimong cybercrime expert.


Dahil sa kanilang pagsasanay na mula sa mga eksperto sa Estados Unidos, sinabi ng CICC na magkakaroon ng mas maraming cybercrime training ang mga law enforcement agents sa hinaharap.

Facebook Comments