Isang Company Driver, Arestado sa Pagnanakaw!

Santiago City, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos mabistong magnakaw alas nuwebe ng gabi noong Pebrero 15, 2018 sa Grupo Marilen Incorporated Compound, Mabini, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Aris Mabilin,28 anyos, drayber ng mismong kompanya at residente ng Brgy. San Miguel, Ramon, Isabela.

Batay sa ibinahaging impormasyon ng PS 1 PNP Santiago City, kinuha umano ng suspek ang limang Box ng Tocino mula sa kanyang delivery truck ng walang pahintulot ang kanyang manager at inihagis palabas.


Kinuha umano ito ng suspek at dinala sa kanyang nakaparadang trycycle na naaktuhan ng isang pump attendant na si Danny Estabillo at agad isinumbong sa may ari ng gusali.

Dipensa naman ng suspek na napagbintangan lamang umano siya.
Hawak na ngayon ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang kasong Pagnanakaw laban kay Mabilin.

Facebook Comments