PINAMAMADALI | Implementing Rules and Regulation ng Free College Education Act, ipinalalatag ng isang mambabatas

Manila, Philippines – Pinamamadali ni 1-Ang Edukasyon Pl Rep. Salvador Belaro kay CHED OIC Prospero de Vera ang Implementing Rules and Regulation ng Free College Education Act.

Ayon kay Belaro, Disyembre pa lang ay tapos na ng CHED na balangkasin ang IRR ng batas at kulang na lamang ay pirma ng UniFAST Board na pinamumunuan ngayon ni de Vera.

Anim na buwan na rin aniya mula ng maisabatas ang libreng tuition fee para sa college education at binibigyan lamang ng 60 araw para mabuo ang IRR.


Pero, sinabi ni Belaro na Pebrero 2018 na at nag-resign na rin si dating CHED Chair Patricia Licuanan ay hindi pa rin maipatupad ang batas.

Ipinaalala ng kongresista na malapit nang pumasok ang school year ‎2018-2019 at maraming estudyante ang umaasa na makapag-aaral ng libre sa kolehiyo.

Facebook Comments