Isang Construction Worker, Timbog sa Buy Bust!

Bagsak kulungan ang isang lalaki matapos itong makuhanan ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation kagabi sa brgy. Centro West, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Joebert Orillo, 22 anyos, walang asawa, construction worker at residente naman ng brgy. Quezon, San Isidro Isabela.

Sa ekslusibong pagsaksi ng RMN Cauayan sa ginawang pagsisiyasat ng mga otoridad ay nakuha mula sa pag iingat ni Orillo ang isang sachet ng hinihinalang shabu at limang daang piso na ginamit bilang buy bust money.


Napag-alaman pa na dati na din umanong nasasangkot sa kaso ng mga nakawan ang suspek kung saan ay kakalaya lamang nito noong taong 2016.

Agad namang dinala sa himpilan ng Santiago City Police Station 2 si Orilla para sa kaukulang dokumenrasyon habang ngayong araw ay nakatakda ng isailalim ito sa Inquest Proceedings.

Facebook Comments