Sinibak ng Korte Suprema ang isa sa mga stenographer ng Cavite city Regional trial court matapos mapatunayang nanloko at nameke ng dokumento sa isang kaso ng annulment ng isang tauhan ng Philippine Coast Guard.
Pinawawalang bisa din ang lahat ng benipisyo maliban sa mga accrued leaves ni Cesar Calpo, ang Court stenographer III ng Cavite City Regional Trial Court Branch 16 dahil sa grave misconduct at serious dishonesty.
Nag-ugat ang kaso ni Calpo matapos lokohin ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard na si Zenmond Duque nang kanyang alukin ng 150K pesos kapalit ng pagpapawalang bisa ng kasal nito.
Makalipas ang isang taon ay nagbigay ng desisyon si Calpo kay Duque na annuled na ang kanyang kasal at ang desisyon ay pirmado daw ni Executive Judge Perla V. Cabrera-Faller ng RTC branch 90 ng Dasmariñas, Cavite.
Huli na nang malaman ng biktimang si Duque na wala naman nilalabas na desisyon ang hukom, at peke pala ang kanyang hawak na dokumento.
Ipinag-utos din ng Supreme Court ang habambuhay na diskwalipikasyon ni Calpo sa lahat ng tanggapan ng gobyerno.