17 taong gulang na lalaki na inaresto at pinalaya kaugnay sa pagpatay kay Christine Lee Silawan hindi pa rin abswelto sa kaso

Hindi pa lusot ang labingpitong taong gulang na lalaki sa kasong pagpatay kay Christine Lee Silawan.

Ito ay kahit na inutos na  ng piskal noong Biyernes na pakawalan ito dahil sa teknikalidad.

Sinabi ni  PNP Chief Oscar Albayalde, nananatiling suspek ang binata sa pagpatay sa ex-girlfriend.


Habang wala pa rin daw lead ang pulis sa dalawa pang ibang suspect.

Ngunit ayon kay Albayalde, may mga tacking team na sila na naghahanap sa iba pang suspect.

Matatandaang sinabi na ng PNP na case solved na ang pagpatay kay silawan pero hindi pa maituturing na case closed.

Crime of passion ang tinitingnang anggulo at matinding selos daw ang motibo kung bakit pinatay at binalatan ang mukha ng dalaga.

Facebook Comments