Isang daang kabahayan, tinupok ng sunog sa Las Piñas City kagabi

99

Manila, Philippines – Nasunog ang isang daang kabahayan ng 200 pamilya sa Brgy. Zapote sa Las Piñas City kagabi.

Nagsimula ang apoy ng alas-9:30 ng gabi sa isang warehouse ng grocery store na pag-mamay-ari ng isang Dino Obanil at agad umabot sa task force bravo.

Isa ang patay na kinilalang si Jedmarson Tangher, 25-anyos at residente sa Pag-Asa compound ng naturang barangay.

Ayon sa ulat, tumutulong sa pag-apula ng apoy ang biktima nang makuryente ito sa isang naputol na kawad na nakababad sa tubig.

Agad itong isinugod sa ospital pero idineklara ding dead-on-arrival.

Ayon kay arson investigator FO3 Rodel Agduyeng, tinatayang aabot sa 1-milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang natupok ng apoy na idineklarang fire under control pasado ala-1 kaninang madaling araw.
Nation”

Facebook Comments