Lalaki, sugatan matapos pagbabarilin sa Holy Spirit, Quezon City

27

Manila, Philippines – Sugatan ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Camote St. Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala ang 43-anyos na biktima na si Conrado Jañel Jr., isang family driver.

Kuwento ng kanyang ama, alas-12 kaninang hating gabi nang magising siya sa tatlong putok ng baril at nang lumabas ito sa kanyang bahay, nakita na lamang niyang nakahandusay na ang kanyang anak.

Ayon sa ilang testigo, nakasakay sa kotse ang suspek na bumaril sa biktima habang ito’y nakatambay.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang tunay na motibo ng suspek sa pamamaril.
Nation”

Facebook Comments