Ginawa ito sa isang pagpupulong mismo sa tanggapan ng naturang kumpanya sa Barangay Patul, Santiago City noong Oktubre 7, 2022 kasama ang mga applicant land owners, investors at mga pinuno at kasapi ng B. Bautista Construction.
Sa naturang pulong ay nagkaroon din ng paliwanagan at paglilinaw tungkol sa ilang paninira na ginagawa laban sa kumpanya ng B. Bautista.
Ayon kay CEO Bobot Bautista, sa likod ng mga negatibong paratang ay nagpapatuloy pa rin ang mga proyektong ginagawa ng construction firm di lang dito sa Isabela kundi sa mga ilang lugar ng bansa.
Ito ay dahil pa rin sa patuloy na pagtitiwala sa B. Bautista Construction sa kakayahan nitong magpatayo ng mga tore ng Telco.
Masayang ipinahayag ni CEO Bobot Bautista na pagkatapos ng 100 torre na tatayo ay susunod pa ang 3000 na maipapatayo sa buong bansa para sa 3rd Telco na kung saan ay ang B. Bautista ang gagawa nito.
Kanya ding ipinaliwanag sa naturang pulong na tuloy-tuloy ang mga ginagawa niyang pulong sa mga personalidad sa Maynila upang maisulong ang mga proyektong hinihintay ng mga land-owners na naniwala sa kanyang kumpanya.
Binanggit at ipinakilala din niya ang nagsisilbing tagapamagitan o Liaison officer ng B. Bautista Construction na si Ginoong Noel Rasay na siyang tumutulong sa pakikipagpulong at pakikipag-ugnayan sa mga opisina at personalidad para sa kagalingan ng mga naghihintay na mga land-owners at contractor ng kumpanyang B. Bautista Construction.
Tinapos ang isinagawang pulong sa pamamagitan ng pagsagot sa ilang katanungan mula sa ilang land-owners sa CEO ng B. Bautista Construction at sa liaison officer Noel Rasay.