Isang Dalaga, Patay sa pamamaril!

*Roxas, Isabela-* Patay ang isang dalaga matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek pasado alas dose kaninang madaling araw sa Brgy. Luna, Roxas, Isabela.

Ang biktima ay kinilalang si Caren Guarenia Cal, 22 anyos, at tubong Bicol, Sorsogon.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Roxas na habang naglalaro ng baraha ang biktima ay bigla na lamang dumating ang suspek at pinagbabaril ng maraming beses ang biktima.


Agad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril lulan ang hindi pa matukoy na sasakyan.

Isinugod pa sa Ospital ang biktima subalit idineklara din itong dead on arrival ng kanyang attending physician.

Sa pagresponde naman ng PNP Roxas ay narekober sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala ng Caliber 9mm.

Patuloy pa ang isinasagawang pagsisiyasat ng PNP hinggil sa motibo ng pamamaril at pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments