Isang Dayuhan Mula Papua New Guinea, Arestado Dahil Sa Sextortion

13

MANILA – Arestado ang isang dayuhan mula Papua New Guinea dahil sa sextortion sa lungsod ng Maynila.Kinilala ang suspek na si Cito Elmay, 29-anyos kung saan ginagamit ang kanyang galing bilang computer engineer para maghanap ng bibiktimahin sa internet.Sa salaysay ng first year college student na biktima, nakaibigan niya ang suspek sa Facebook at nakumbisi siya na magpadala ng kanyang mga hubad na larawan sa dayuhan kapalit na pera.Pero nang makuha na ang litrato ay bigla na lamang nagbago ang sitwasyon kung saan tinakot na siya ng suspek na ikakalat sa internet ang maselang litratro kung hindi makikipagtalik sa suspek.Hinihingan pa ng 60,000 pesos ang bitkima.Sinabi naman ni NBI Cybercrime Executive Officer Atty. Vic Lorenzo, inaalam na kung may iba pang nabibiktima ang suspek.Depensa naman ang suspek, may nag-utos na makipagkita sa babae.May paalala naman ni lorenzo – huwag agad magtiwala sa mga nagtitiwala sa mga taong nag-aadd sa’yo sa facebook.Sinusuri na ngayon ng nbi ang mga nakumpiskang gadgets ng suspek at inaalam na rin kung mayroon pa itong kasabwat.

Facebook Comments