Simpleng Pagsita Ng Mga Pulis, Nauwi Sa Engkwentro

9

MANILA – Nauwi sa engkwentro ang simpleng pagsita ng mga pulis sa tatlong kalalakihan sa madilim na bahagi sa Palanca St. San Miguel, Maynila.Lumalabas sa imbestigasyon, nagsasagawa ng oplan tokhang sa lugar ang pulisya nang makasalubong nito ang tatlong lalaki.Nang mapansin ang kahina-hinalang kilos ng tatlo ay nilapitan ito nang pulisya upang sitahin, ngunit sa halip na tumalima, bigla umanong bumunot ng baril ang isa sa kanila at pinaputukan ng baril ang operatiba kayat nauwi ito sa engkwentro.Agad na binawian ng buhay ang dalawa sa mga suspek samantalang nakatakas naman ang isa sa mga ito.Wala namang tinamaang pulis sa umano’y engkwentro.Nakakuha ang SOCO sa crime scene ng isang kalibre .38 baril at ilang basyo ng bala.

Facebook Comments