Isang delivery at ridesharing group, pinaiinspeksyon sa DOLE ang iba’t ibang store outlets ng Shopee

Hiniling sa Department of Labor and Employment (DOLE) ng isang delivery and ridesharing group na magsagawa ng inspeksyon sa store outlets ng Shopee.

Layon nito na imbestigahan ang alegasyon ng delayed salary, unpaid incentives at benefits at non-payment ng accident insurance ng naturang giant online seller sa kanilang libo-libong delivery motorcycle riders.

Ayon kay Neil Estrella, chairperson ng Sakay Transport Cooperative, aabot sa 600 na delivery riders ang maghahain ng reklamo sa DOLE kaugnay ng hindi naibigay na sahod simula noong October 2020.


Ikinalungkot ni Estrella na sa kabila ng peligro sa aksidente sa kalsada, walang pagsisikap ang Shopee at ang kanilang mga contractor na bigyan ng accident security insurance policy ang kanilang riders.

Nais ng grupo na silipin ng DOLE ang paglipana ng mga fly by night online contractors na sinasamantala ang online delivery service.

Iginiit ni Estrella na responsibilidad ng gobyerno na proteksyunan din ang gig industry economy dahil sa mahalagang papel nito sa panahon ng pandemic.

Facebook Comments