Isang digital advocacy group, kinuwestyon ang pag-selfie sa pagpaparehistro ng SIM

Inalmahan ng isang digital advocacy group ang pagpapakuha ng selfie ng mga telecommunication company o telco bilang bahagi ng pagpaparehistro sa kanilang Subscriber Identification Module o SIM cards.

Ayon kay Ronald Gustilo, convenor ng Digital Pinoys, isa itong paglabag dahil hindi naman ito itinatadhana sa ilalim ng SIM Registration Act.

Wala aniyang “selfie” requirement sa inaprubahang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng nasabing batas kaya’t hindi na aniya ito kinakailangan.


Paliwanag ni Gustilo, sapat na ang hinihinging requirements salig sa IRR tulad ng scanned ID dahil mapatutunayan na nito ang identity o pagkakakilanlan ng nagpaparehistro.

Malinaw rin aniya sa isinasaad ng batas na sinumang mamemeke o gagamit ng ibang ID sa kanilang pagpaparehistro ay tiyak na mapapatawan ng kaukulang parusa.

Facebook Comments