Mga lugar na kung saan awtorisadong magsagawa ng fireworks display, tinukoy na ng QC-LGU

Photo Courtesy: Quezon City Government

Tinukoy na ng Quezon City Local Government Unit (LGU) ang kumpletong listahan ng mga lugar kung saan magsagawa ng awtorisadong fireworks display.

Kabilang sa mga lugar na itinalaga ay ang:

• Quezon Memorial Circle
• Eastwood City Open Park
• Robinson’s Novaliches
• SM City Fairview
• SM City North Edsa
• SM City Novaliches


Paalala ng LGU sa mga residente sa lungsod, huwag nang magpaputok o magsagawa ng fireworks display sa kanilang mga lugar para matiyak na ligtas at masaya ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Pinapayuhan nito ang mga residente na manood na lamang ng inihandang magarbong fireworks display sa Quezon Memorial Circle at iba pang kilalang malls sa lungsod.

Facebook Comments