Isang drug personality, pinagbabaril patay sa QC

69

Manila, Philippines – Patay  ang isang drug personality matapoas napagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Brgy. Old Balara Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Paul Vincent Abdao 28 anyos,residente ng Laura Street, Purok 2 Brgy. Old Balara, Quezon city.
Batay sa pahayag ng kinakasama ni Abdao na si Angel,dating gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga ang kanyang kasintahansubalit hindi umano niya tiyak kung sumuko na ito sa Oplan Tokhang ng PNP.
Pero sa pahayag naman ng Barangay, madalas umano na bentahanat pwestuhan ng mga gumagamit ng shabu ang mismong bahay ni Abdao, ngunitnaging madalang na ito, simula nang magalugad ng mga awtoridad ang kanyangbahay.
Batay imbestigasyon ng pulisya limang putok ng baril angnarinig ng mga suspek at ilang mga residente ang nakakita na lumabas sa bahayng biktima ang nasa tatlong kalalakihan na nakasuot ng jacket pagkatapos aysumakay ng kulay asul na Toyota Corolla na walang plaka.
Inaalam na ng pulisya kung sino at ano ang motibo ng mgasuspek sa pagpaslang sa isang drug personality.

Facebook Comments