Isang hinihinalang drug pusher, pinagbabaril patay sA QC

37

Manila, Philippines – Patay ang isang hinihinalang drugpusher matapos na pagbabarilin ng  mgahindi nakilalang suspek sa loob mismo ng kanyang bahay sa Brgy. Pasong Tamo,Quezon City.
  Kinilala ang biktima na si Kadafi Salik 41 anyosresidente ng Aurora Street Area 5 Veterans Village Brgy. Pasong Tamo QuezonCity.
  Ayon sa asawa ni kadafi na si Helen Encarnacion Salik,isang kulay Green na Honda Civic ang biglang pumarada sa tapat ng kanilangbahay at bumaba ang tinatayang nasa tatlong katao na pawang nakatakip ang mga mukha.
  Dito na aniya, sapilitang pinasok ang kanilang bahay atagad na pinagbabaril hanggang sa masawi ang kanyang mister.
  Mabilis na tumakas ang mga suspek habang iniwangnakahandusay at wala nang buhay ang naturang drug personality.
  Ayon naman sa Barangay, sumuko na sa Oplan Tokhang siKadafi, ngunit kamakailan lamang ay muli na naman itong nahulihan ng ilangsachet ng shabu.
  Iniimbestigahan na ng pulisya kung sino at ano ang motibong mga suspek sa pagpaslang ng isang hinihinalang drug pusher.

Facebook Comments