Isang drug pusher, pinagbabaril patay sa QC

105

Manila, Philippines – Patay ang isang umanoy drug pushermatapos na pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa Apple  Street, Brgy. Commonwealth, Quezon City.
  Kinilala ang biktima na si Lester Von Copta 18 anyos nasinasabi ng mga Brgy. at pulisya na umanoy drug pusher.
  Ayon naman sa ama ni Lester na si Rico copta, gumagawasila ng bibingka kagabing alas 11:30  satapat ng kanilang bahay nang biglang dumating ang apat na mga kalalakihan nanaka face mask  na lulan ng dalawangmotorsiklo.
  Agad umanong bumaba ang dalawang angkas at malapitangpinagbabaril si Lester hanggang sa bawian ng buhay.
  Ayon naman sa pahayag ng mga taga-Barangay, sumuko na saOplan Tokhang si Lester ngunit posible umanong na hindi pa rin ito at tumigilsa ilegal na gawain.
  Nakuha sa katawan ng naturang drug personality ang isangmint box na may lamang hinihinalang marijuana, habang narekober naman sapinangyarihan ng krimen ang siyam na basyo ng bala na mula sa hindi pa malamangkalibre ng baril.
  Iniimbestigahan na ng pulisya ang naturang krimen atinaalam na rin ng mga awtoridad ang motibo ng pamamaslang.

Facebook Comments