Isang lalaki na dating sumuko sa oplan tokhang, pinagbabaril sa footbridge patay sa QC

242

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki na kasamaumano sa drug watch list ng Brgy. matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang mgasuspek sa overpass sa tapat ng Sandiganbayan Brgy.  Commonwealth Quezon City.
  Kinilala ang biktima ng pamamaril na si Elmer Lao 40anyos.
  Ayon sa imbestigasyon ng pulisya naglalakad lamang angbiktima kagabi, pasado alas nueve  sa mayfootbridge ng Sandiganbayan ng pagbabarilin ito ng tatlong lalaking nakajacketat nakatakip ang mga mukha.
  Base naman sa salaysay ng isang brgy tanod ng Holy Spiritna bago ang pamamaril ay dinala pa sa QCPD Station 6 kahapon ng  alas kwatro ng hapon ang biktima para saverification process.
  Ayon sa kamag-anak ng biktima, nawawala  umano ang pera at ATM card ni Lao.
  Iniimbestigahan na ng pulisya ang naturang insidente atinaalam kung mayroong CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen.

Facebook Comments