Isang Drug Surenderee na Pumalag sa Buy Bust, Patay!

113

Tuguegarao City, Cagayan- Patay sa kamay ng kapulisan ang isang Drug Surenderee na tsuper matapos manlaban sa isinagawang Drug Buy Bust Operation ng kapulisan kahapon ng madaling araw sa Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang tulak ng drogang nasawi na si Gilbert Lazo, kwarentay nuebe anyos, traysikel drayber at residente ng nasabing barangay.


Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Superintendent George Cablarda ng PNP Tuguegarao, nagsagawa ang PNP Tuguegarao ng Buy Bust Operation laban kay Lazo katuwang ang PDEA RO2 kung saan dito binentahan ni Lazo ang isang police poseur buyer na si PO2 Jacinto Cusipag sa halagang isang libong piso.

Matapos ang transaksyon ay lumapit na ang mga kasama ni PO2 Cusipag upang arestuhin si Lazo subalit tumanggi ito kaya’t hinugot ang kanyang baril at ipinutok ng dalawang beses sa mga arresting officers na agad namang naiwasan ng mga pulis.

Dahil dito ay pinaputukan na ni PO2 Cusipag si Lazo na nagsanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang kalibre trentay otso, apat na bala at dalawang basyo ng bala ng kalibre trentay otso, isang sling bag na naglalaman ng limang sachet ng shabu, isang libong piso bilang buy bust money, isang unit ng traysikel na may plakang BO44078 at iba pang mga gamit ng suspek.

Dinala na sa PDEA RO2 ang mga nakuhang shabu mula sa pag-iingat ng suspek para sa kaukulang eksaminasyon habang patuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments

From Advertisers