Kim Chiu, kinilig kay Shawn Mendez

129

Hindi maitatanggi ang pagka-fangirl ni Kim Chiu sa international celebrities lalo na sa Canadian singer-songwriter na si Shawn Mendes.
Labis ang kilig ni Kim nang sagutin ni Shawn ang kaniyang tanong sa IG Live session nito kung nakapunta na ba siya ng Pilipinas. Sinabi ng singer na nakapunta na siya sa bansa noong 2017 para sa kaniyang Illuminate album tour. Kabilang sa mga nabisita niyang lugar ang Tagaytay City, Taal Volcano at Balete Falls sa Amadeo, Cavite.
Lalo pang kinilig ang aktres dahil napansin ng singer ang kaniyang messages at nag-hi pa ito sa Pilipinas kaya nagpost siya sa kaniyang Instagram story ng, “OMG!!! @shawnmendes answered my questions in his IG LIVE!!!! I die!!!!!!”
Kasunod nito ay pinagbigyan ni Shawn ang kaniyang request na kantahin ang hit song niyang ”Treat You Better”. Nagpost din si Kim ng kaniyang video na tumatalon sa sobrang tuwa at may caption na, “I died for like 5 minutes!!!”



Facebook Comments