Manila, PhilippineNababahala ang isang eksperto sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Atty. Christian Monsod, isa sa bumalangkas sa 1987 constitution – posibleng sinusubukan ng Pangulo ang kanyang kapangyarihan bilang paghahanda sa ‘authoritarianism’ o ‘one man rule’.
Paliwanag pa nito, para maideklara ang martial law ngayon, dapat ay may invasion o pananakop ng ibang bansa o rebellion na ayon sa revised penal code ay armadong pag-aaklas laban sa gobyerno na layong kumalas sa Pilipinas.
Nabatid na sa ilalim ng martial law, militar ang magpapatakbo ng gobyerno sa lugar na nasasakop nito.
Pero paalala ni Monsod, kahit may batas militar, hindi pa rin suspendido ang konstitusyon o mga batas na pumo-protekta sa mga karapatang pantao.
DZXL558