Nagbabala ang isang eksperto tungkol sa paggamit ng mobile application kung saan kaya nitong gawing matanda o bata ang mukha ng isang tao.
Ayon kay Art Samaniego Jr., isang technology editor – ugaliing basahin ang terms and conditions ng application na na-develop sa Russia.
Dagdag pa niya, mag-ingat din sa pagbibigay ng personal information sa mga applications gaya ng location, birthday at phone number, maging ang detalye sa mga mahal sa buhay.
Nagagamit kasi ang mga detalyeng ito sa krimen gaya ng identity theft.
Samantala, nilinaw ng Faceapp na inaalis nila ang uploaded photo pagkatapos ng 48-oras at hindi nila ito ibinebenta sa iba o third parties.
Hindi rin nila ina-access ang iba pang data ng gumagamit ng app at hindi rin nila ina-access ang ibang litrato ng user maliban sa mga picture na ginamit sa app.